Samahan niyo akong sariwain ang munting kaganapan na nangyari sa aking buhay noong Ikaunang araw ng Agosto taong dalawang libo at siyam.
Ang pagpunta ko kasama ang aking mga ka-eskwela sa bahay ni Commodore Hernandez ay isang karangalan dahil bibihira lang ang pinahihintulutan na makapasok dito, kaya’t masasabi kong isa kami sa mga mapapalad na iyon. Pagkuha ng litrato ang pinakauna naming ginawa sapagkat iyon lamang ang isa sa mga magiging alaala namin sa lugar na iyon. Abot tenga ang aming mga ngiti sa katunayan sa sobrang kagalakan ay hindi na namin naisip kung anong oras na sa mga iyon, kung oras na ba para umuwi at hindi na rin namin naisip yung mga itsura namin sa bawat pindot sa kamerang aming dala.
Hindi man kami binigyan ng sapat na panahon upang makapagsaya sa bahay ni Commodore, nadagdagan naman ang aming mga karanasan at nagkaroon kami ng panahon na magsama-sama. Isa na ito sa mga hindi ko makakalimutang araw ng buhay ko marahil dahil may posibilidad na hindi na ito maulit pa kaya dapat matuto kang magpahalaga sa bawat bagay na nangyayari sa buhay mo sapagkat hindi mo alam kung ito ba’y babalik pa.