Nahihirapan ka na ba sa buhay mo ngayon? Ayaw mo na bang mabuhay sa mundo?
Kung ako ang tatanungin marahil ang isasagot ko ay oo, kasi ayaw ko ng maghirap pero dahil marami ang nakakarinig sa tuwing sasabihin ko ang mga bagay na ito ipinapaliwanag nila kung bakit naghihirap ang isang tao. Iyon ay dahil kailangan ng bawat nilalang sa mundo mahirapan upang maging mabuting tao at nang makilala ng bawat isa ang kanilang mga sarili. Ang bawat paghihirap sa mundo ay isang pagsubok na binigay ng Diyos sa atin at pagkatapos nating malagpasan ang paghihirap na iyon marami tayong malalaman at masmauunawaan natin ang mga bagay-bagay dito sa undo.
Isa lang itong mensahe mula sa akin upang tulungan ang mga taong nahihirapan sa mundo at iniisip na wala ng solusyon sa kanilang problema.
Magpakasaya ka at laging tandaan ang lahat ng paghihirap ay bahagi ng buhay ng tao tungo sa pagiging masmabuting ikaw.