Nakikita mo ba ang mga bata sa lansangan?

Nagtataka ka ba kung bakit sila nandun sa halip na mag-aral sa eskwelahan? Napapansin mo ba ang mga taong walang trabaho?

Lubos na naghihirap na nga an gating bansa. At tuluyan pa itong titindi dulot ng mga taong hindi sa mga mahihirap na bansa sa Asya. Sa paglipas ng araw na wala pa tayong solusyong ginagawa tiyak na pagbaba ng ekonomiya ang dulot nito.  

Ang kahirapan na ating nararanasan ay nagdudulot ng masamang epekto sa atin lalong-lalo na sa mga kabataan. Ang iba sa kanila’y hindi na nakapag-aaral sapagkat wala na silang pera pangmatrikula. Ang iba naman ay nagtatrabaho na kahit bata pa lamang sila. Nagigig kawawa ang mga ito dahil imbis na sa eskwelahan at papel at ballpen ang hawak, sampaguita at sa lansangan sila.

Napakaraming problema ang naidudulot nito lalong-lalo na sa mga kabataan pa man din na ang kabataan ang pag-asa ng bayan . Paano pa tayo aasa sa mga bata kung sila mismo ay hindi nakapag-aral. Tulungan natin an gating bayan. Pigilan ang kahirapan, kumilos tayo ngayon para sa magandang kinabukasan.